The sky is bleeding, we must fear the flood
Juan dela Cruz interviews Senatoriable Richard Gomez
May 4, 2007Juan dela Cruz: Idol, paki-paliwanag sa mamamayan kung bakit ka nila dapat iboto.
Goma: Alam mo, napakaraming dahilan eh. Well, unang una na lang, masasabi kong makaka-relate ako sa sambayanan at sila nama'y makaka-relate din sa'kin.
Juan: Papano?
Goma: Gawin na lang nating halimbawa lahat ng mga empleyado't trabahador na kinakaltasan ng buwis. I'm sure di nila nagugustuhan yon. Eh, ako rin eh! Kaya nga di ako nagbadayad, gusto ko lang iparating sa Administrasyon at sa BIR ang mensahe na ito.
Juan: Mukhang kuhang-kuha nila yung mensahe.
Juan: Ano naman masasabi mo sa pagtaboy sa iyo ng Genuine Opposition at Team Unity. Mahirap yata na walang party.
Goma: Sus, yun lang ba? Yakang-yaka ko naman kahit wala sila. At ako pa? Kung party lang naman pag-uusapan, marami ako napupuntahang party! Minsan nga sa SOP pa ako nagse-celebrate ng birthday ko. Bongga di ba?
Juan: Ha???
Juan: Di bale na… next question.
Juan: Bakit sa senado ka agad tumatakbo? Hindi ba mas mainam na magsimula sa mas mababa at lokal na posisyon? For experience, ika nga.
Goma: Marami naman akong experience diyan, saka napapanood ko kung paano magtrabaho ang mga tunay na pulitiko tulad na lang nila Pareng Joey at Jinggoy, at walang iba kundi si Tito Erap. At kung may question ako, isang text lang sila.
Juan: Ganun ba?
Goma: Lumaban na rin ako para sa Pilipinas bilang atleta.
Juan: Ano naman koneksyon non? Nanalo ka ba?
Goma: Di na importante yon. Basta, I have experienc representing the country.
Goma: Ilang beses na rin akong nag-portray na isang pulitiko sa sine at TV. Marami na akong na-research tungkol dyan!
Goma: I also support Philippine-made products tulad na lang ng Bench!
Juan: Sabagay. Ano ba kurso mo nung college?
Goma: Uy, good question. Related yata sa pulitika ang course ko. May 3 units ako ng Pol Sci noon!
Juan: Talaga? Patingin nga ng transcript mo?
Goma: Marami na akong nabasang script. Anong movie gusto mo?
Juan: Ha? Ang galing mo naman.
Juan: Paano naman sa law?
Goma: Sabi nga naman ni pareng Buboy, pwedeng pwede mag crash-course dun.
Juan: Sabi ko nga.
Juan: Huling tanong. Ano platform mo?
Goma: I will support sports and media. Importante mga yan. Kumbaga, parang health and well-being na rin yan. Kung nagso-sports ka, healthy ka. Kung nanonood ka ng TV, happy ka.
Juan: Sige na, maraming salamat.
Goma: May gusto lang akong ipahabol. Gusto ko sanang pasalamatan mga sponsor ko. Bench for my outfit, Fix for my hair. Sa lahat rin ng aking fans, thank you. Aasahan ko boto niyo!









this is hilarious. again, like i said, it’s the age of inconsideration. perhaps goma fits the mold…
and his wife was accused of shoplifting. this would make a great first family one day.
Posted by tessa at May 4, 2007, 11:44 am