The sky is bleeding, we must fear the flood
Juan dela Cruz interviews Senatoriable Luis Singson
May 4, 2007Juan: Nice face…este, I mean, glasses.
Chavit: Why, thank you.
Juan : Parang bote ng coke.
Chavit: Malabo kasi mata ko.
Juan: Malamang.
Juan: Anong feeling na kasama mo sa Team Unity si Tessie. Parang kalian lang, magkaiba kayo ng pinalalaban.
Chavit: Ok lang naman. Mukhang nagbagon buhay na siya. Saka, no choice naman ako. Mahirap nang mag-independent at magastos.
Juan: Sabagay
Juan: Pagusapan natin ang inyong kampanya. Bakit mga probinsyano ang target audience mo?
Chavit: Eh kasi naging successful ako sa Ilocos bilang kongresista.
Juan: Ganon ba. Eh Ilocos lang yun ah, maka-probinsyano ka na agad? Hindi naman yata basta-bastang maihahawig ang kondisyon ng bawat probinsya sa isa’t isa.
Chavit: Madali lang yon. Hindi ba’t lahat ng probinsya may farmers?
Juan: Oo naman yata.
Chavit: Eh di kailangan ko lang mag-focus sa mga farmers at yayaman ang buong probinsya. Let me explain the concept….
Juan: Di bale na, ok lang.
Juan: Isa pa sa pino-promote mo ay ang iyong honesty, marahil dahil sa testimonial mo sa impeachment proceedings laban sa dating pangulo.
Chavit.: Oo naman. Honest ako, peksman.
Juan: May friendster ka ba? Lagyan mo rin ako ng testimonial! Add kita!








