The sky is bleeding, we must fear the flood
Juan dela Cruz interviews Senatoriable Cesar Montano
May 4, 2007Juan: Idol, totoo bang kukuha ng crash course sa law?
Buboy: Oo, kailangan eh. Mahina pa talento ko sa batas eh.
Juan: Aba, buti naman at honest ka tungkol diyan. Bakit nga ba ikaw ang napiliing ng Team Unity? Di hamak na maraming mas may karanasan sa pulitika?
Buboy: Kulang kasi sa star power ang Team Unity, eh.
Juan: You mean, kulang sa guwapo?
Buboy: Ikaw nagsabi niyan!
Juan: Sige. Bukod sa iyong kagwapuhan at kamachohan, ano pa bang idinadagdag mo sa Team Unity?
Buboy: Aba syempre, ang mga talento ko.
Juan: Tulad ng?
Buboy: Ah eh, naging Philippine commissioner ako ng UNESCO para sa sining at kultura.
Juan: Aahh, ok. Sounds good. Ano bang ginagawa mo bilang isang commissioner?
Buboy: Eh di nagkokomisyon! Ano ka ba? Duh!
Juan: Nga naman. My bad. Meron ka pa bang ibang talento?
Buboy: Halos lahat ng aspeto ng lipunan, kabisado ko. Mula kasaysayan hanggang pandirigma.
Juan: At pano mo naman nasabi ito?
Buboy: Marami ako research sa mga aspetong ito. Kung kasaysayan ang paguusapan, gumanap akong bida sa Jose Rizal. Kasama rin ako sa cast ng The Great Raid.
Juan: Ha? Historical ba yun?
Buboy: Oo naman. At kung kalikasan ang pag-uusapan, nariyan naman ang Muro-Ami.
Juan: Eh paano naman yung patuloy na digmaan sa Mindanao?
Buboy: Aba, first hand yata ang experience natin diyan. Gumanap akong bilang isang sundalo sa gitna ng labanan sa Mindanao sa pelikulang Bagong Buwan.
Juan: Uy, parang naaalala kong kasali pa nga sa MMFF yan!
Buboy: Tama ka diyan!
Juan: At ano naman natutunan mo sa Panaghoy sa Suba?
Buboy: E di yung pinakaimportante sa lahat.
Juan: Ano?
Buboy: Love.
Juan: Ngi.. este.. aah.
Juan: O sige, meron pa ba?
Buboy: Basta, marami akong talento.
Buboy: Nga pala, ang mga bata ay ating kinabukasan.
Juan: Ha? San nanggaling yon?
Buboy: Ibig ko sabihin, importante sila.
Juan: Ah, okay.
Juan: Huling tanong.
Buboy: Teka, gusto ko magpasalamat sa Hanford for my briefs.
Juan: Teka lang, bawal na yan. Pinagsabihan na ako ng producer ko.
Juan: Anyway, huling tanong.
Juan: May salita ba talagang "talento"?
Buboy: ……








