The sky is bleeding, we must fear the flood
Juan dela Cruz does back-to-back interviews with Senatoriables Gringo Honasan and Antonio Trillanes
May 4, 2007Juan: Sir, mukhang makakatakbo pa rin kayo sa darating na eleksyon. Kahit na ba pagkarami raming eskandalo na ang dinaanan ninyo. Di ba nga may arrest warrant pa para sa'yo?
Gringo: Oo nga, kaya nga mahal na mahal ko ang Pilipinas.
Juan: Bakit naman?
Gringo: Kasi ang Pilipinas, forgive and forget.
Juan: Onli in da Pilipins!
Juan: At ano naman ang plataporma ninyo ngayong taon? May nagbago ba?
Gringo: Syempre, ang pinaka-top priority ko ay ang pag-puksa sa corruption! Alam mo namang dalawang dekada na nating ipinaglalaban yan!
Juan: At sa paanong paraan mo pupuksain ang kurapsyon? Sabi mo nga, dalawang dekada na ang nakalilipas. Siguro naman, dapat change of method.
Gringo: Aba, syempre kailangan puksain ang ugat ng corruption!
Juan: Coup d'etat is that you?
===============================================
Later that day…..
Juan: Sarge, anong dahilan mo sa pagtakbo sa senado?
Sarge: Pupuksain ko ang kurapsyon!
Juan: Sounds familiar. Papano mo gagawin yan?
Sarge: Pupuksain ko ang mga kurakot!! Humanda sila!
Juan: Gringo, is that you?
Juan: Teka, I have to go. May meeting pa ako.








